GMA Logo The Smurfs: Baby's First Christmas
What's Hot

Naghahangad ang lahat ng 'di malilimutang Pasko sa pangalawang linggo ng 'Christmas Cartoon Festival Presents'

By Marah Ruiz
Published November 26, 2020 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

The Smurfs: Baby's First Christmas


Apat na panibagong kuwentong pang-Pasko ang hatid ng pangalawang linggo ng 'Christmas Cartoon Festival Presents.'

Simulan ang paghahanda para sa isang 'di malilimutang Pasko kasama ang Christmas Cartoon Festival Presents.

Apat na panibagong kuwento ang mapapanood sa pangalawang linggo nito!

Magbubukas ang linggo kasama ang cute na mga Smurfs. Unang Pasko ni Baby Smurf kaya nagsisikap ang buong Smurf Village para gawin itong memorable para sa kanya. Abangan ang paghahanda nila para sa unang Pasko kasama si Baby Smurf sa The Smurfs: Baby's First Christmas sa November 30.

Susubukan naman ng koala na si Blinky Bill na magdala ng pine trees at snow sa Australian bush sa two-part special na Blinky Bill's White Christmas. Panoorin ang part one nito sa December 1 at ang part 2 naman sa December 2.

Isang simpleng Pasko sa bahay naman ang hangad ni Mole sa Mole's Christmas sa December 3. Buti na lang, maaasahan niya ang kanyang kaibigang si Rat para mag-celebrate nito.

A scene from Moles Christmas

Nag-oversleep at na-late ng gising si Santa Claus at kanyang mga elves sa Santa's Last Christmas sa December 4. Sisikapin nilang habulin ang paggawa ng mga regalo para sa mga bata. Aabot kaya sila sa Pasko?

Patuloy na tutukan ang mga animated specials ng pangalawang linggo ng Christmas Cartoon Festival Presents, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. sa GMA-7.