Lumabas ang dramatic side ng Philippine Queen of Comedy nang mapa-reminisce ito sa kanyang birthday greeting para kay Marian Rivera.
Ibinahagi niya ang kanilang litratong kuha mula sa kanilang pelikulang 'Kung Fu Divas.' First day palang daw ng kanilang shooting ay naramdaman na niyang magkakasundo sila.
A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on
Pagkakita palang ni Aiai sa Kapuso Primetime Queen ay naisip na niyang “kambal” sila. Pag-alala niya, “Sabi ko sa sarili ko, ‘Grabe ang ganda pala ni Marian talaga sa personal, parang nanalamin lang ako.' Hahaha.”
Kuwento rin niya, “Doon ko nakita taliwas sa mga naririnig ko, aba napakalambing pala niya at ngiti ng ngiti at higit sa lahat pulbos ng pulbos sa katawan. Pero ang nakakatulala sa kanya bukod sa maganda sya, sobrang kinis. Parang typewriting paper ang kutis walang blemishes at walang ugat grabeeeeee.”
“Kambal happy happy birthday. Kumpletuna kana kaya ang wish ko for you is lumabas na healthy ang inaanak ko na si xyz...at maging happy kayo ni daddy forever dahil naniniwala ako sa forever,” bati niya.
“God bless you more and more and be happy today. I loveyou,” patuloy ni Aiai.