GMA Logo Lexi Gonzales Elijah Alej, Hailey Mendes
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's on TV

Nakakagigil na pangga-gaslight ni Leo kay Chynna, umani ng mahigit 4M views sa Facebook

By Dianne Mariano
Published February 1, 2023 2:23 PM PHT
Updated February 1, 2023 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: P11B in illegal drugs seized, 16k drug suspects nabbed in Q1 2026
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales Elijah Alej, Hailey Mendes


Four million views and counting na sa Facebook ang nakakagigil na pangga-gaslight ni Leo (Nikki Co) kay Chynna (Elijah Alejo) sa 'Underage.'

Patuloy na tinututukan ng mga manonood ang mga matitinding eksena sa afternoon drama series na Underage, na pinagbibidahan nina Kapuso stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

Katunayan, umabot na ng mahigit four million views ang eksena ng mga karakter nina Elijah at Nikki Co, na sina Chynna at Leo, sa seventh episode ng nasabing serye sa official Facebook page ng GMA Drama.

Sa episode ng umere noong January 24, matatandaan na nakipagkita si Chynna kay Leo para damayan siya sa kanyang kalungkutan ngunit mayroong ibang plano ang binata para sa dalaga.

Sa kanilang pagkikita, pinilit ni Leo ang kanyang sarili kay Chynna at pisikal na inabuso pa ang huli para makuha ang gusto niya mula rito.


Matapos pagsamantalahan ni Leo si Chynna, tumawag ang binata sa dalaga at sinabi na nagawa lamang nila iyon dahil sa pagmamahal sa isa't isa. Kinumbinsi rin ni Leo si Chynna na huwag sasabihin kahit kanino ang nangyari sa kanilang dalawa.

Maraming netizens naman ang nanggigigil sa ginawang pangga-gaslight ni Leo kay Chynna at ibinahagi ang kanilang mga saloobin sa comment section.

Tutukan ang mga matitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.