
Paano kaya kung ikaw naman ang maging biyenan ng iyong biyenan?
Ganito ang kakaibang sitwasyon na haharapin ni Monica (Shim Yi-young).
Lubos siyang pinahirapan ng kanyang biyenan na si Malou (Kim Hye-ri) dahil hindi ito boto sa kanya.
Nang mamatay ang asawa ni Monica na si Jerry (Lee Yong-joon), tila mapuputol na din ang ugnayan ng mag-biyenan.
Pero hindi pa pala ito ang huli nilang pagkikita.
Magsisipag-asawa muli ang dalawang biyuda pero sa pagkakataong ito, si Monica naman ang magiging biyenan ni Malou!
Ito na ba ang pagkakataon niyang gumanti sa biyenan na nagpahirap sa kanya noon?
Huwag palampasin ang Mamaw-In-Law, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 pm simula February 5 sa GMA News TV.