What's Hot

Nakaraan nina Tidora at Tinidora, dapat abangan sa kalye-serye ayon kay Joey de Leon

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 29, 2020 6:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Beloved local coffee shop finds new home in a cozy standalone café in BGC
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants
Multicab falls into ravine in Ayungon, Negros Or; 8 dead

Article Inside Page


Showbiz News



Kahit mahigit kalahating taon na ang kalye-serye ay marami pa raw dapat abangan at tutukan dito ayon kay Joey de Leon.


By CHERRY SUN
 

 

A photo posted by Joey de Leon (@angpoetnyo) on

Mula sa mabuting pagtitinginan nina Alden Richards at Yaya Dub hanggang sa nakaraan ni Lola Nidora ay masasabing mahaba na nga ang itinakbo ng kalye-serye ng Eat Bulaga. At kahit mahigit kalahating taon na ang kuwento ay marami pa raw dapat abangan at tutukan dito ayon kay Joey de Leon.

“Buhay pa lang ni Anselmo at saka ni Nidora ang nangyayari. Masaya pa ‘yan. Ang nakakatawa ‘yung buhay ni Tinidora 'tsaka ni Tidora. So, abangan pa nila. Nakakatuwa ‘yung mga flashback eh, black and white eh,” ani Joey sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

“Napakarami pa [dapat i-expect], oo madami. 'Tsaka sino ‘yung gaganap na papel nila nung bata sila. ‘Yun ang maganda,” dagdag ng Henyo Master.

Bahagi raw si Joey sa mga utak sa likod ng kalye-serye ngunit hindi raw ito dagdag trabaho para sa kanya.

“Parang laro-laro lang pero nagtatawanan kami habang pinag-uusapan namin kung ano'ng posibleng puwedeng mga mangyari,” sambit niya.

Bahagi rin ni Joey na kahit bahagi siya ng mga nag-iisip ng kuwento sa kalye-serye ay hindi at ayaw niyang malaman ang lahat ng mga mangyayari.

Wika ng dabarkad, “'Pag hindi kami ang gumawa, ayaw naming sinasabi sa amin ang mangyayari kasi para na-e-enjoy namin. Parang laging first day ang feeling namin 'pag ganun. Mas enjoy ‘yung hindi namin alam.”

“Ina-accummulate namin lahat ng ideas tapos binibigyan namin ng hindi naman schedule... kung kailan bagay, doon pawawalan. Mabibigla kami, ‘Ayy, eto na ba ‘yung ganun? Ayy, eto na ba ‘yung ganyan?’” patuloy niya.

 

LOOK: Meet Yaya Mot in 'Eat Bulaga's' kalye-serye!