What's on TV

Nakaw ni halik ni Crisel kay Diego sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published July 10, 2020 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump asks Congress for more funds to fight Iran, defying rebuke on war powers
Tagbilaran City Police, Gimanduan sa Pag-imbentaryo sa Tanang Service Firearms | Balitang Bisdak
Local fast food giant scores double victory at PR Awards Asia-Pacific for Gaming and Literacy Campaigns

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali and Mguel Tanfelix kissing in Kambal Karibal


Gamit ang katawan ni Crisan, naging agresibo si Crisel at hinalikan sa labi si Diego.

Sa episode 81 ng Kambal, Karibal, kinuha ni Crisel (Pauline Mendoza) ang pagkakataon na mapalapit kay Diego (Miguel Tanefelix) habang nasa katawan ni Crisan (Bianca Umali).

Dahil gustung-gusto ng binata ang huli, naging agresibo si Crisel at hinalikan si Diego sa labi.

Nanibago si Diego sa ikinilos ni Crisan. Gayunpaman, napawi ang kanyang pagdududa nang pumayag itong maging nobya niya.

Samantala, sinabihan ni Black Lady (Roence Santos) si Crisel na huwag pakampante dahil nagkamalay na muli si Cheska.

Ano kaya ang gagawin ni Crisel kapag nalaman niyang sumanib ang kanyang kakambal sa katawan ni Cheska?

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.