GMA Logo Lovely Rivero at Marnie Lapus
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Nanay ng mga batang nasagasaan ng tren, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published October 24, 2022 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Lovely Rivero at Marnie Lapus


Isang bagong simula ang hatid ng 'Wish Ko Lang' para kina Theresa at Rica, mga ina ng dalawang batang nasagasaan ng tren.

Nasaksihan noong Sabado, October 22, sa "Nasagasaan ng Tren" episode ng Wish Ko Lang ang masakit na sinapit ng mga anak nina Theresa (Lovely Rivero) at Rica (Marnie Lapus) na sina Alfred (Marco Masa) at Rico (Aidan Veneracion), na kapwa nasagasaan ng tren.

Sa ngayon, sariwa pa rin sa dalawang ina ang aksidenteng nangyari sa kanilang mga anak. Ani ni Theresa, "Kahit makarinig po ng tunog ng tren parang tinutusok po ang dibdib po namin."

Dagdag ni Rica, "Masakit pa rin po sa amin pero kailangan po talagang tanggapin."

Hindi pa rin malinaw kina Theresa at Rica kung ano talaga ang nangyari kina Alfred at Rico.

Kalat sa kanilang lugar ang kuwento tungkol sa matandang katipunero na nangunguha raw ng buhay at kung sinumang makakita sa nilalang na ito ay tiyak daw na masasagasaan ng tren. Kaya naman tinupad ng Wish Ko Lang ang hiling nina Theresa at Rica na makausap ang paranormal expert na si Ed Caluag.

At para matulungan sina Theresa at Rica mula sa masakit na trahedya, naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Kasama sa negosyo packages na nagkakahalaga ng PhP45,000 ay ang fruit and vegetable stand kapalit ng naluging tindahan ni Theresa, frozen meat business, isang brand new mini refrigerator, at delivery bike.

Para naman kay Rica, naghanda ang programa ng beauty products business, merienda business, chili garlic business, gourmet products business, leche flan business, yema spread business, brand new smartphone, at pocket wi-fi.

Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang para kina Theresa at Rica.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: