GMA Logo Nancy Castiglione
What's on TV

Nancy Castiglione, 'winning' sa pagiging isang ina sa tatlong mga anak

By Kristian Eric Javier
Published November 5, 2025 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

Nancy Castiglione


Proud si Nancy Castiglione sa kung papaano niya napalaki ang mga anak.

Hindi naging madali ang umpisa ng motherhood journey ng dating actress at TV host na si Nancy Castiglione. Dahil kambal ang una niyang mga anak, inamin ng dating aktres na nabuhos lahat ng kaniyang oras sa kanila, dahilan para lisanin din niya ang showbiz.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, November 5, nilinaw naman ni Nancy na wala siyang pagsisisi sa pag-iwan niya sa kaniyang karera para sa mga anak. Sa katunayan, proud pa nga siya dahil “winning” umano ang dating TV host sa pagiging isang ina.

“My twins are doing well, thankfully, all three of my kids are probably my biggest wins sa buhay. They're smart, they're kind, they're motivated, and that's the biggest responsibility for me is to be a mom, so parang kahit papaano, winning ako sa side na 'yun ng buhay ko,” sabi ni Nancy.

Sa halos 10 taon niya sa entertainment industry ay maraming leksyon na sa buhay ang natutunan ni Nancy, ngunit isang bagay ang gusto niya umanong maipasa sa kaniyang mga anak.

“Actually that's something I wanna pass down to my children also is take risks. That's what I learned actually sa career ko sa showbiz,” sabi ni Nancy.

TINGNAN ANG NAGING BUHAY NI NANCY NA MALAYO SA SHOWBIZ SA GALLERY NA ITO:

Samantala, ibinahagi rin ni Nancy na suportado niya ang mga anak kung sakaling magpakita sila ng interes na pumasok din sa showbiz.

“I'd be a hundred percent supportive. Actually, Riley's dream, she wants to go into acting so ngayon, nag-aaral siya, she's been participating sa mga school plays and she's also in extra curiculars,” saad ni Nancy.

Panoorin ang panayam kay Nancy dito: