GMA Logo nanette inventor
What's Hot

Nanette Inventor, matiyagang naghihintay sa dream gig niya

By Nherz Almo
Published June 26, 2024 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 15, 2025) | GMA Integrated News
Teen stabbed multiple times in Dueñas, Iloilo
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

nanette inventor


Nanette Inventor: “Mayroon pa akong isang dream.”

Simula noong dekada '80 hanggang ngayon, nakadikit na sa pangalan ni Nanette Inventor si Doña Buding. Ito ang iconic character na kanyang ginampanan sa defunct GMA variety show na The Penthouse Live!

Sa katunayan, kahit nitong mga nakaraang taon, marami pa rin daw ang tumatawag sa 71-year-old singer-actess na Doña Buding.

“Every time I do shows in the US -- the only time I stopped doing shows there was because of the pandemic -- lahat siguro ng napunta doon, 'Ayan si Doña Buding.' Even the ones in the carousel, baggage, 'Si Doña, nandyan na, asikasuhin niyo.' 'Di ako mamimigay ng pera, utang na loob!' 'Bakit?' 'Ay ayokong humawak ng pesos, dollar ang dala ko,' gumaganun ako. [Naisip ko] bakit ba nagawa ko na naman yun? Because it's ingrained in me. 'Di na siya mawawala. Nakilala ka dahil dun,” kuwento ni Nanette sa isang press conference matapos siyang pumirma sa Viva Artists Agency kamakailan.

Ngayong bahagi na siya ng Viva Artists Agency, umaasa si Nanette na muli rin siyang makikilala bilang singer, ang unang naging daan para makapasok siya sa showbiz.

“After doing all the stand-up for Donya Buding for seven years of my life ang nangyari, I wanted to veer away from being typecast. I said, don't forget about my singing, that's where I started,” sabi niya.

Nabanggit din niya, “I can envision myself doing a recording for Viva because I don't want people to forget about my singing because that's where I started.”

Bukod dito, may isa pang pinapangarp si Nanette bilang singer, na hanggang ngayon ay hinihintay niyang mangyari.

Paglalahad niya, “Mayroon pa akong isang dream. I just one to sing in a lounge and talk about my life.

“I just want to sing in a lounge and talk about my life. Just a small lounge where I can talk and the comedy will come in because I'm talking about the comedy in the song or it happened to me.

“Basta I'll just tell my story then, kakanta, na ako lang at kahit tatlong musical instruments lang ang mag-a-accompany sa akin. Basta hindi lang makakalimutan na mayroon akong kinakanta, talagang gustung-gusto kong gawin 'yon.”

Bagamat gustung-gusto niya itong gawin, matiyaga naman daw siyang maghihintay na mangyari ito.

Katuwiran ni Nanette, I have always believed that God has a plan for you. If it doesn't happen now, it might happen someday or it might not happen at all.

“But don't push it. Kapag dumating na 'yan, talagang it's the right time. It was meant, ganun lang. Pero, it will always be a frustration.”

Sabay hirit ni Nanette, “Ginagawa ko naman sa banyo.”

A post shared by Nanette Inventor (@nanette_inventor)

Joining social media

Samantala, habang naghihintay sa mga pangarap pa niyang gawin, inilalaan muna ni Nanette ang kanyang oras sa paggawa ng mga online content, lalo na sa TikTok na kanyang kinaaaliwan.

Aminado si Nanette na noong una ay wala siyang ideya kung ano ito.

“I'm technically challenged,” Aniya. “Tiktok? Ano yun, talk and talk and the clock is ticking? Then, I found myself so interested in it, ayun lang pala. And some people get to earn because they pay them?

“Aba, sabi ko, napakainteresante nitong ginagawang TikTok na ito. Actually, I did not sleep. I just got myself into looking at my other potentials that I can use.”

Ayon sa kanyang manager na si Carlo Orosa, di tulad ng ibang beteranong celebrities, laging bukas si Nanette sa mga pagbabago sa teknolohiya at kabilang dito ay ang pagbubukas ng kanyang sariling account sa iba't ibang social media platforms.

Ani Carlo, “She's one of those artists who is not afraid to leap off to the new generation of media platforms. Marami akong kakilalang artists they're-stuck sa old generation. But Nanette is so open.

“In the last five or six years, when we migrated her content to Facebook and Instagram, she's done impressions of current politicians.

“But more importantly, now, she has migrated to TikTok. She's been doing a lot of content for TikTok. Isang TikTok palang niya, nasa 75,000 views na in just a few hours.

“She's very adept to this new generation. Alam naman natin na ang mga gadget are so valuable now. Most entertainment is seen on our phones.”

Para naman kay Nanette, kailangang tuluy-tuloy lang ang pagdiskubre sa mga bagong teknolohiya at pag-alam kung paano ito makakatulong sa showbiz career.

“It has to do with what they say about education, it never stops. The only way it will stop is when you're six feet underground. But you will leave a legacy. It does not stop. So, you get to learn new things. Age is just a number,” paliwanag niya sa huli.