GMA Logo Nar Cabico part of COVID19 concert
What's Hot

Nar Cabico, bahagi ng online benefit concert para sa COVID-19 frontliners

By Marah Ruiz
Published March 25, 2020 3:34 PM PHT
Updated March 25, 2020 3:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Easterlies bring rains across parts of PH — PAGASA
La Union wins Miss Universe Philippines 2026 crown
M1ss Jade So, Angel, and Popstar Bench to headline Australia drag shows

Article Inside Page


Showbiz News

Nar Cabico part of COVID19 concert


Magpe-perform si Nar Cabico sa "QuaranTunes PH" na isang fundraising concert para sa COVID-19 frontliners.

Kabilang si Kapuso singer and comedian Nar Cabico sa performers ng "QuaranTunes PH," isang fundraising concert para sa mga frontliners na patuloy na nilalabanan ang COVID-19 sa Pilipinas.

Nar Cabico
Nar Cabico


Ngayong araw, March 25, itatanghal ang benefit concert na naglalayong lumikom ng pera para sa pagbili ng personal protective equipment o PPEs para sa healthcare workers.

Bukod kay Nar, kabilang sa mga performers sina Zsaris, Princess Ybañez, Mike Luis, Jerald Napoles, Kim Molina, Ava Santos at Aia de Leon.

Maaaring i-stream ang mga performances sa Facebook page na QuaranTunesPH o sa mga indibidwal na pages ng mga performers dito.


Dala ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa, nagkakaroon ng shortage sa PPEs tulad ng gloves, masks at goggles ang mga ospital.

Bukod sa "Quarantunes PH," marami rin mga indibidwal at grupo na nagfa-fundraising para pagsugpo ng COVID-19.

Isa na dito ang GMA Kapuso Foundation na naglunsad ng kanilang kampanyang "Labanan Ang COVID-19" na naglalayong magbigay ng basic medical supplies para sa frontliners ng COVID-19.

Maaaring magpaabot ng donasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa official website.