
"'Di ako makapaniwala. We performed "Send in the Clowns" with the Regine Velasquez! Opening number for #TheFinalBow." Nar Cabico
By AL KENDRICK NOGUERA
Martes ng gabi ginanap ang taping ng GMA special para kay Kuya Germs na pinamagatang "The Final Bow" na ipapalabas ngayong Biyernes, February 24.
Sa nasabing show, nagkaroon ng pagkakataon ang Artist Center talent na si Nar Cabico na makasabay sa pag-awit ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.
Bahagi ng Kapuso singer-actor sa kanyang Instagram account, masayang-masaya siya sa pambihirang chance na ito.
"'Di ako makapaniwala. We performed "Send in the Clowns" with the Regine Velasquez! Opening number for #TheFinalBow," saad ni Nar.
MORE ON NAR CABICO:
READ: Ano ang libangan ni Nar Cabico nang naninirahan pa siya sa Basilan?
READ: Nar Cabico, inamin na nahirapan siyang kumanta ng rap sa musical