GMA Logo Nar Cabico sings
What's Hot

Nar Cabico, ipinamalas ang galing sa pagha-harmonize

By Marah Ruiz
Published April 16, 2020 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Nar Cabico sings


Ipinamalas ni Nar Cabico sa ilang video ang galing niya sa pagha-harmonize sa iba't ibang kanta.

Ilang maikling video ang ibinahagi ni Kapuso singer and comedian Nar Cabico sa kanyang Instagram account kung saan ipinamalas niya ang galing niya sa pagha-harmonize.

Umawit si Nar sa magkakaibang pitch, blending at second voice at pinagsama-sama ang kanyang mga video gamit ang isang app.

Ang resulta ay parang isang buong a capella group ang umaawit kahit mag-isa lang si Nar.

Panoorin ang pag-awit niya ng 'My All' ni Mariah Carey.

praktis lang bago magsimula ng youtube channel coz this is the new normal 🤣

Isang post na ibinahagi ni Nar Cabico (@narcabico) noong


Narito naman ang performance niya ng 'I Don't Want To Wait' ni Paula Cole.

Sunset mood 🌅

Isang post na ibinahagi ni Nar Cabico (@narcabico) noong


Inawit din niya ang 'Brown Eyes' ng Destiny's Child.

#HighSchoolJam ⭐️brown 👀 ⭐️

Isang post na ibinahagi ni Nar Cabico (@narcabico) noong


Isa si Nar sa mga nakiisa sa #HealingHearts, ang online concert series ng GMA Artist Center na fundraising campaign din para sa COVID-19 relief efforts.

Bukod dito, naging bahagi din siya ng QuaranTunes PH, na siya ring online benefit concert para sa mga COVID-19 frontliners.