What's Hot

Nar Cabico, may payo para sa mga newbie singers

By Bianca Geli
Published February 21, 2018 11:28 AM PHT
Updated February 21, 2018 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Nagbalik tanaw si Nar sa lahat ng kanyang pinagdaanan bago sumikat, at nagbigay ng payo para sa mga baguhang singers.
 

Movie Original Theme Song of The Year!!! Thank you PMPC Star Awards for choosing 'Natapos Tayo', OST of 'All Of You'. Truly didn't expect it, but hoped and prayed for this to happen. Thank you Atty Joji, Direk Dan, and @mercadojenny ?? The amazing @micllave for the arrangement, and @sonic_state_audio fornthe recording!!Salamat po Lord! My family, friends, and my number 1 fan/critique, VJ. I offer this award to all of you. ???? Mabuhay ang OPM!!!

A post shared by Nar Cabico (@narcabico) on

 

Sunod sunod ang swerte ngayon sa career ni Nar Cabico na kagagaling lang sa pagkapanalo sa 34th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies.

Aniya, “Just two days ago nanalo ako sa Star Awards, that was so fun as in high pa ako from that. Nasa taas pa ako kasi ang saya saya ko.”

Dagdag niya, “Then nag-record ako ng song for The One That Got Away na sinulat ko. Nararamdaman ko na bahay ko na ito, mag-iwan na ako ng toothbrush dito. I wouldn’t trade my life with anyone right now.”

Nagbalik tanaw din si Nar sa lahat ng kanyang pinagdaanan bago sumikat, at nagbigay rin ng payo para sa mga baguhang singers, “Totoo rin yung sinabi ni Dr. Mon Faustino na ang isang malaking panalo ay nabubuo ng maraming maliliit na pagkatalo.”

“Madaming beses naman na rin akong natalo in life. Ngayon, ang pinaka-lesson for me and for young singers, just keep thriving. Pagdaanan niyo lahat.”

“Kahit si Ate Regine, nung na-interview ko siya, naranasan niya rin na hindi natapos ‘yung airing niya, napatungan siya ng credits. Lahat talaga dumadaan sa ganoon. unti unti ko pa lang nararamdaman yung reward ng hard work ko.”

Nahanap na raw ni Nar ang kanyang passion sa buhay, ang pagkanta. “Ito talaga yung mahal kong gawin, singing, acting, telling stories through music.”