
Masaya si Kapuso singer and actor Nar Cabico dahil umakyat na ang rango ng kanyang PhilPop 2018 entry.
Mula 29th place, umabot na ang kanyang awit na "LDR (Layong Di Ramdam)" sa tenth place.
Kaya naman patuloy siya sa paghingi ng suporta at boto para mas lalo pang tumaas ang pagkakataong manalo ito sa kumpetisyon.
Para bumoto, i-send lang ang VOTE NK13 sa 8933 para sa mga Smart, TnT, and Sun subscribers.
Maaari din i-stream ang kanyang awit sa Spotify at maging sa YouTube.
Ang PhilPop 2018 o Philippine Popular Music Festival ay isang songwriting competition para sa mga orihinal at unreleased na awit.