What's Hot

Narito na ang mas pina-astig na 'Angry Birds Toons!'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 19, 2020 5:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards on reunion with 'Tween Hearts' co-stars: 'The four of us already came a long way'
Pila ka Kapuso Stars, maki-celebrate sa Dinagyang Festival 2026 sa Iloilo City | One Western Visayas
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang mas pinasayang 'Angry Birds Toons with Stella and Piggy Tales,' tuwing Sabado simula July 4 sa nag-iisang GMA Astig Authority. 
By MARAH RUIZ

 
New season na, may new additions pa! 
 
Handog ng GMA ang mas pina-astig na bagong season ng Angry Birds Toons at madadagdagan pa ito ng mga nakakatawang spin-offs ng Stella at Piggy Tales
 
Tunghayan ang mga pakikipagsapalaran ni Stella, ang matapang na pink na ibon, kasama ang kanyang mga kaibigang sina Dahlia, Poppy, Willow at Luca. Samahan sila sa pagtuklas sa kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaibigan. 
 
Silipin naman ang kakaibang buhay ng mga green pigs sa Piggy Tales. Ano nga ba ang pinagkakaabalahan nila kapag hindi sila nagnanakaw ng mga itlog?
 
Samantala, tuloy pa rin ang kulitan ng paborito nating mga galit na ibon! Bagong mga kulitan ang kanilang ihahatid sa bagong season ng Angry Birds Toons!
 
Abangan ang lahat ng mga ito sa mas pinasayang Angry Birds Toons with Stella and Piggy Tales, tuwing Sabado simula July 4, pagkatapos ng Pac-man and the Ghostly Adventures sa nag-iisang GMA Astig Authority.