GMA Logo Lolong
What's on TV

Narsing, pagbibintangan sa isang mabigat na krimen sa pangatlong linggo ng 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published July 19, 2022 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong


Lalong umiinit ang mga tagpo sa pangatlong linggo ng 'Lolong.'

May mga bagong karakter na papasok at magdaragdag ng kulay sa ikatlong linggo ng adventure-serye ng primetime na Lolong.

Hindi mapatawad ni Lolong (Ruru Madrid) ang sarili dahil wala siyang nagawa nang magharap sila ni Lucas (Ian de Leon), ang taong pumatay sa kanyang mga magulang.

Magkakaroon naman ng kalaban si Martin (Paul Salas) sa pagtakbo niya bilang mayor ng Tumahan sa katauhan ni Marco Mendrano (Marco Alcaraz).

Tila si Marco na ang magdadala ng pagbabago sa bulok na sistema sa Tumahan pero biglang may magpapasabog ng kanyang campaign headquarters.

Si Narsing (Bembol Roco) ang mapapagbintangan sa krimen dahil may nahanap 'di umano sa kanyang bahay na ebidensiya laban sa kanya.

Aamin sa krimen si Narsing matapos gulpihin at pahirapan ng mga pulis. Siya ba talaga ang may pakana ng pagsabog?

Samantala, may mapapansin si Bella (Arra San Agustin) na kakaiba tungkol kay Lolong.

Narito ang sneak peek sa exciting na pangatlong linggo ng Lolong.


Patuloy na panoorin ang Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.