
Matapos palaring manalo sa nagdaang eleksyon 2022, nagsimula nang magtrabaho bilang konsehal ng Cavite City ang dating child actor na si Nash Aguas kahapon, July 4.
Sa Instagram, ipinost ni Nash ang mga larawan niya sa unang araw niya sa opisina suot ang kaniyang uniporme.
"First session.
"Simula na ang trabaho.
"Our journey back to being a first class city starts today," caption ni Nash sa kanyang post.
Kapansin-pansin din sa mga larawan na ibinahagi ni Nash ang kanyang buong pangalan sa desk name plate na nakalagay sa kanyang magiging lamesa sa buong termino niya bilang konsehal ng lungsod.
"Hon. Aeign Zackrey V. Aguas," saad dito.
Bukod sa pagiging aktor at public servant, si Nash din ang longtime boyfriend ng dating Kara Mia actress na si Mika Dela Cruz.
Kamakailan ay nagtungo sina Mika at Nash sa El Nido, Palawan na kanila ring first plane ride na magkasama matapos ang higit apat na taon na relasyon.
Samantala, kilalanin ang ilan pang celebrities na nanalo sa eleksyon at nanumpa na sa kanilang tungkulin bilang public servant sa gallery na ito: