GMA Logo nash aguas and mika dela cruz
What's Hot

Nash Aguas, tinawanan ang fake pregnancy news tungkol kay Mika dela Cruz

Published March 9, 2021 6:27 PM PHT
Updated March 9, 2021 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From ₱500 to ₱1,000? TXT member Soobin’s complaint on 'overcharging' taxi sparks LTFRB probe | GMA News Feed
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

nash aguas and mika dela cruz


"Ambilis ng pangyayare!" natatawang pahayag ni Nash Aguas tungkol sa YouTube video na nagsasabing buntis ang kanyang girlfriend na si Mika dela Cruz.

Tawang-tawa si Nash Aguas habang pinapanood ang YouTube video tungkol sa diumano'y pagbubuntis ng kanyang girlfriend na si Mika dela Cruz.

Sa kanyang Instagram post kahapon, March 8, hindi makapaniwala si Nash sa bilis ng paggawa ng fake news base sa post niya, na nagpapakita ng sweet photo nila ng dating Kara Mia actress.

Sa caption nito, pabirong sinabi ng binatang aktor, "Imbitado po kayong lahat sa binyag ng aking anak na si @mikadlacruz HAHAHAHAHAHHA SORRY NA LABYU HAHAHA."

Isang post na ibinahagi ni Aeign Zackrey Nash Aguas (@zackwey)


Ilang oras ang makalipas, muling nag-post si Nash ng video para ipakita kung paano nakagawa ng fake news ang isang YouTube content creator base lamang sa kanyang post.

Sa video, sinabi ni Nash, "So kanina, nag-post po ako, itong picture na ito. Itong mukhang nakapangbinyag si Mika. Sabi ko sa caption, "Imbitado po kayong lahat sa binyag ng aking anak na si @mikadlacruz HAHAHAHAHAHHA SORRY NA LABYU HAHAHA."

"Kasi, mukha siyang bibinyagan, e. Kaninang umaga ko 'yon pinost, ha?

"Ayon sa YouTube, buntis na si Mika!"

Habang pinapanood ang kabuuan ng video, maririnig na tawang-tawa si Nash sa nasabing fake news.

Sa caption ng post, nag-iwan ng isang paalala ang aktor, "Sinend sakin ng tropa yung link HAHAHA MAGINGAT PO KAYO SA FAKE NEWS bye socmed na ulit HAHA."

Isang post na ibinahagi ni Aeign Zackrey Nash Aguas (@zackwey)

Sa comment section naman ay marami rin ang natawa sa video na ipinakita ni Nash.

Sabi ng aktres na si Alessandra de Rossi, "Umabot dun?"

Sagot naman ni Nash, "Pagsapit ng hapon may anak na ako. Ambilis ng pangyayare."

Sa isa pang comment, sinabi ni Nash, "Hiling daw namin sana malusog yung baby. Kung merong malusog kaming dalawa lang yun sa lakas kumain HAHAHA."

nash aguas on fake news
Nash Aguas reacts to fake pregnancy news about his girlfriend Mika dela Cruz

Samantala, alamin ang simula ng love story nina Nash at Mika sa gallery na ito: