GMA Logo sherra de juan
Source: Mark Arjay Reyes (FB)
What's Hot

Natagpuang bride-to-be, matutuloy ba ang kasal?

By Kristine Kang
Published January 5, 2026 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - The Supreme Court releases the results of the 2025 Bar Examinations (Jan. 7, 2026) | GMA Integrated News
Abi Marquez lands on a Dubai billboard with international artists
2026 Bar Exam Updates and Results

Article Inside Page


Showbiz News

sherra de juan


Bakit kaya nawala si Sherra de Juan bago ang kanilang kasal? Alamin ang kanilang kwento rito:

Tumutok ang atensyon ng publiko sa istorya ng nawawalang bride-to-be na si Sherra de Juan at ng kanyang fiancé na si Mark Arjay Reyes.

Mula sa panawagan ni Mark sa balita hanggang sa matagpuan si Sherra, maraming netizen ang nakaantabay sa mga pangyayari bago magbagong taon.

Pero ano nga ba talaga ang buong nangyari sa nawawalang bride-to-be?

Kamakailan, nakausap ng Kapuso Mo, Jessica Soho si Mark. Sinubukan din nilang makapanayam si Sherra, ngunit nanatili lamang ito sa kanyang kuwarto at hiniling ng pamilya na huwag muna siyang humarap sa media.

Ayon sa kuwento ni Mark, noong December 10, 2025, umalis si Sherra sa kanilang compound upang bumili umano ng bridal shoes.

"Noong araw po na 'yun, actually wala talagang unusual. Kasi before siya magpaalam sa akin na aalis na siya, talagang nagkukulitan pa po kami noon," ani Mark.

Kinabukasan, opisyal na idineklarang missing si Sherra at agad na sinimulan ng pulis ang imbestigasyon. Makikita sa CCTV na naglakad ang bride-to-be sa kahabaan ng Commonwealth at sumakay ng isang bus.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, lumitaw ang usapin tungkol sa problemang pinansyal ng pamilya ni Sherra ilang buwan bago ang kanyang pagkawala.

"Lumalabas po dito 'yung mga conversation nila ni Mark, 'yung kanyang fiance. Nakalagay doon na namomoblema siya kasi maliban doon sa gagastusin nila sa kasal nila is meron pang medical problem 'yung kanyang father na kailangan niyang ipagamot," pahayag ni PMAJ. Jennifer Gannaban ng Quezon City Police District.

Ngunit nilinaw ni Mark na matagal na umano nilang nasolusyunan ang naturang problema.

Makalipas ang ilang linggong walang balita, isang tawag ang biglang natanggap ng soon-to be groom.

"Mga around 9:30 'yun, nag-ring ang phone niya. Unang hello niya, kinabahan po talaga ako noon. Nakalimang hello po siya, napatayo talaga ako nun. Noong narinig niya ang boses ko, iyak siya ng iyak," kuwento niya.

Noong December 29, 2025, natagpuan si Sherra sa Sison, Pangasinan matapos siyang humingi ng tulong sa isang motorcycle rider na si Rodel Dela Rosa.

"Hindi ko po siya napansin doon. Bale nakayuko kasi ako na tumitingin sa list ko, hawak ko 'yung cellphone ko," ani Rodel.

"Biglang nasa gilid ko po then umiiyak na nagmamakaawa na humingi ng tulong. Talagang maawa ka sa mukha niya talagang tuliro umiiyak na alam n'yo parang bata."

Ayon sa salaysay, tuwing gabi ay naglalakad si Sherra sa kalsada at sumusunod sa mga bus patungong Cubao. Sa umaga naman, naghahanap siya ng masisilungan upang magpahinga. Nahiya rin umano siyang humingi ng tulong dahil sa kanyang hindi maayos na itsura noong panahong iyon.

Noong December 30, ligtas nang nakauwi si Sherra sa Quezon City at emosyonal siyang niyakap ng kanyang pamilya.

Sa kasalukuyan, nagpapahinga muna ang bride-to-be. Masayang sinalubong din niya ang bagong taon kasama si Mark.

Ang tanong ngayon ng marami: paano na ang naudlot na kasal?

"Tuloy po ang kasal. Meron na po kami actually na date, end of March po," sagot ni Mark.

"Natutuwa nga ako kasi siya 'yung talagang eager sumagot 'Tuloy, tuloy.' Pero sinabihan ko siya, ' 'Wag mo i-pressure ang sarili mo sa sinasabi ng iba.' Kumbaga ang priority nga namin is maka-recover siya. Lagi ko naman sinasabi sa kanya na 'yun naka-support ako sa lahat ng bagay. Whatever the future have for us, nandoon lang ako. Hindi ko siya iiwan kahit anong sabihin ng tao. Mahal ko siya."

Panoorin ang buong panayam dito:

Samantala, tingnan ang ilang celebrities na hindi natuloy ang planong pagpapakasal dito: