
Ito rin kaya ang hilig ng unico hijo ng Asia’s Songbird at The Songwriter?
Hindi raw tutol sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid kung sakaling gustong mag-artista ng kanilang anak na si Nate. Ito rin kaya ang hilig ng unico hijo ng Asia’s Songbird at The Songwriter?
Nasubaybayan sa social media ang paglaki ni Nate na mahilig ding kumanta tulad ng kanyang mga magulang.
Kuwento ni Regine sa panayam ng 24 Oras, “He’s always singing. That’show I find him actually in the house, I follow his voice.”
Gayunpaman, tila hindi raw papunta sa pag-aartista ang hilig ng bata.
“He’s very interested in mga planes. He loves maps. 'Di ba you like maps? And flags. Gustong gusto niya, hindi ko alam. Tapos, weather,” bahaging muli ng celebrity mom.
Sa katunayan, ang paboritong TV personality ni Nate ay ang resident meteorologist ng GMA na si Mang Tani.
“‘Cause he [knows] weathers,” paliwanag ni Nate kung bakit niya siya naging paborito.
Nakapanayam ng 24 Oras ang mag-ina sa unang press conference ni Nate na kasama si Regine para sa kanilang bagong endorsement. Ipinagmalaki ni Regine na hindi raw mahirap katrabaho ang kanyang anak dahil sumusunod ito sa sinasabi ng direktor.
Ayon din sa parehong ulat ay apat na beses na daw nag-shoot para sa mga endorsement si Nate ngunit hindi raw sinasabi ni Regine sa kanya ang tungkol sa talent fee dahil diretso daw ang kanyang kinikita sa bangko.
“Nakaipon lahat ‘yung ano [talent fee] niya. I’m putting it… ipe-placement ko siya para pag tumanda siya kasi sayang eh pag nandoon lang,” ani Reg.
MORE ON NATE ALCASID:
READ: Why Regine Velasquez-Alcasid doesn't tell her son Nate about his talent fee
LOOK: Meet 'Nate the Endorser'
WATCH: Leila Alcasid dubsmashes 'Poor Señorita' theme song with Baby Nate