GMA Logo Nathalie Hart, Brad Robert
Source: Nice Print Photo
What's Hot

Nathalie Hart, ikinasal na sa kaniyang Australian partner na si Brad Robert

By Jimboy Napoles
Published July 31, 2023 3:13 PM PHT
Updated July 31, 2023 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Nathalie Hart, Brad Robert


Congratulations, Nathalie and Brad!

Ikinasal na ang celebrity mom at sexy actress na si Nathalie Hart sa kaniyang Australian non-showbiz partner na si Brad Robert sa Sydney, Australia.

Sa Instagram, ibinahagi ni Nathalie sa social media ang larawan ng kanilang naging intimate wedding ni Brad.

“Mr and Mrs,” caption ni Nathalie sa kaniyang post.

A post shared by Nathalie Hart (@imnathaliehart)

SILIPIN ANG BAGONG BUHAY NI NATHALIE SA AUSTRALIA, RITO:

August 10, 2022 nang ma-engaged sina Nathalie at Brad. Ginanap ang kanilang wedding proposal sa Pilipinas.

Matatandaan din na saglit na nagpahinga si Nathalie sa showbiz noong nagsisimula ang pandemya upang matutukan ang pag-aalaga sa kaniyang anak na si Penelope sa Australia.

Samantala, nakatanggap naman ng pagbati mula sa kaniyang showbiz friends si Nathalie para sa kaniyang kasal.

Congratulations, Nathalie and Brad!