
Mas lalong umiinit ang kompetisyon sa Binibining Pilipinas pageant ngayong inanunsyo na ng organization kung kalian magaganap ang inaantabayan nitong national costume competition.
Ipinaalam ng Binibining Pilipinas organization sa pamamagitan ng isang Instagram post na gaganapin ang national costume competition sa July 2, 3 p.m., sa New Frontier Theater. Sa caption ng post, isinulat ng organization na ang event ay magiging showcase para sa “beauty, culture, and creativity of the Filipino spirit”.
Ang national costume competition ay isa lamang sa mga challenges na maaaring makatulong sa mga kandidata para makakuha ng korona ngayong taon. Noong launch ng partnership ng Binibining Pilipinas sa partnership nito sa glutathione brand na SnowCaps, si Binibining Pilipinas 12 Gwendoline Meliz Soriano ang nanalo ng special award at pinangalanang Miss SnowCaps Radiance.
Sa isang interview sa GMA Lifestyle, ibinahagi ni Gwendoline kung ano sa tinging niya ang nagpapanalo sa kanya.
“If ang basis po natin is 'yung how we walk and how we presented ourselves, kasi we were able to speak, nakakatuwa. Maybe because of what I also said na true radiance really comes from within, and that's what I've been really holding onto, even before,” paliwanag niya. “When I show up, I really do so with courage, with confidence, even if I know that I am not perfect physically. It's really how I present myself, and hopefully, I get to radiate that confidence and radiance.”
Naging busy ang mga Binibining Pilipinas delegates nitong mga nakaraang linggo habang papalapi ang Binibining Pilipinas coronation night na gaganapin sa July 18 sa Smart Araneta Coliseum. Bilang parte ng kanilang advocacy work, binisita ng Binibining Pilipinas queens ang SOS Children's Village Philippines.
Kamakailan lang ay inilabas din ng Binibining Pilipinas organization ang mga swimsuit photos ng mga kandidata, na inilarawan ng organization bilang summer statement. Ginanap din ang sashing ng mga queens sa Novotel Manila Araneta City.
Ang 36 finalists ay umaasang sumunod sa yapak ng kasalukuyang Binibining Pilipinas International Katrina Anne Johnson.
Naging bahagi rin ng isang Lagoon Fashion Show na ginanap sa Gateway Mall 2 Lagoon ang mga kandidata, suot ang swimwear mula sa Dia Ali PH at bag mula kay Zarah Juan.