GMA Logo Yumi X BGYO
Source: zephanie/IG
What's on TV

Naya Ambi on working with BGYO: 'Sobrang nakakatuwa'

By Kristian Eric Javier
Published June 12, 2026 10:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Route xYz On Playlist
DFA's Lazaro on China banning Teodoro: 'That's their sovereign right'
Thai Princess Bajrakitiyabha passes away at 47

Article Inside Page


Showbiz News

Yumi X BGYO


Ano ang masasabi ng YUMI sa collaboration nila ng BGYO? Alamin dito.

Masayang-masaya ang mga miyembro ng P-Pop girl group ng Born to Shine na YUMI nang ma-guest at maka-collaborate nila ang boy group na BGYO sa kanilang serye.

Ang YUMI ay isang fictional P-pop girl group mula sa serye na kinabibilangan nina Zephanie, Olive May, Naya Ambi, Mitzi Josh, at Gaea Mischa. Nitong Huwebes, June 11, bumisita sila sa Fast Talk with Boy Abunda at ibinahagi ang karanasan nila kasama ang BGYO.

“Sobrang nakakatuwa po sa feeling na meron po kaming collaboration with a real P-Pop group at saka sobrang bait din po nila, e,” pagbabahagi ni Naya.

Dagdag pa ng singer-turned-actress, napakapropesyonal ng grupo dahil alam na nila ang kanilang mga linya oras na magsimula ang taping.

“Also, kapag may konting kulitan po kami sa set, may humor po talaga; nagja-jive po 'yung humor namin,” pagpapatuloy ni Naya.

Ayon kay Naya, si Gelo ang joker ng naturang boy band at ang bias niya sa grupo.

KILALANIN ANG MGA MIYEMBRO NG P-POP GROUPS NA SUMABAK NA RIN SA ACTING SA GALLERY NA ITO:

Isa ang YUMI sa mga pinakamasuwerteng girl group na naka-collaborate ang BGYO na kinabibilangan nina Gelo, Nate, Mikki, Akira, at JL na naka-eksena nila sa serye.

Ginampanan nila ang kanilang mga sarili sa guesting nila sa Born to Shine.

Nitong February, nagkaroon ng comeback ang grupo sa pamamagitan ng awitin nilang “Fresh.”

Samantala, online, ilang netizens na rin ang humihiling ng collaboration ng YUMI sa iba pang real-life P-Pop groups, katulad ng VXON at iba pang grupo.