GMA Logo dennis trillo in voltes v legacy
What's on TV

Ned Armstrong, magbabalik sa Camp Big Falcon ngayong gabi!

By Jansen Ramos
Published July 6, 2023 6:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Emilia Clarke gets surprise visit from Jason Momoa in New York
At least 30 houses along creek in Bacolod City demolished
Khalil Ramos is on the digital cover of a men's fashion magazine

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo in voltes v legacy


Abangan ang pagbabalik ni Dr. Ned Armstrong sa Camp Big Falcon sa 'Voltes V: Legacy' ngayong Huwebes, July 6, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Ngayong gabi, July 6, sa Voltes V: Legacy, may magbabalik sa Camp Big Falcon.

Ito ay si Dr. Ned Armstrong (Dennis Trillo) na lulan ng isang sasakyang panghimpapawid na na-detect ng kampo na malapit sa kanilang headquarters, ayon sa latest teaser ng pinag-uusapang action-drama sa gabi.

Magbabalik sa Earth ang siyentista na utak ng Voltes V robot matapos ang maraming taon nang umuwi ito sa planetang Boazan.

Sa muling pagtapak ni Ned sa Camp Big Falcon, maaaring asahan na reresbak sila sa mga kalaban matapos makumpirma ng Boazanian leader na si Zardoz (Martin Del Rosario) ang pinakatago-tagong sikreto ng kampo--ang identity ng limang piloto na nagpapaandar sa Voltes V.

Ano kaya ang kahihinatnan ng pagbabalik ni Ned?

Abangan 'yan sa Voltes V: Legacy ngayong Huwebes, July 6, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Maari ring panoorin ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang gmapinoytv.com/subscribe para malaman kung paano mapapanood ang programa overseas.

SAMANTALA, NARITO ANG IBA PANG MGA LARAWAN NI ZARDOZ NA TILA GUMAGALA SA TERRA ERTHU.