
Babalik muli ang entrepreneurial program na Negosyo Goals ngayong August 11 sa GTV.
Ngayon at nasa fourth season na ang programa, marami raw dapat abangan dito, lalo na't may bagong segments, inspiring stories, at pati negosyo partners.
Mapapanood pa rin ng mga Kapuso ang entrepreneur-host na si Anna Magkawas, o mas kilala bilang si Miss A. Makakasama niya rin ang mga bagong makukulit na young entrepreneurs sa Purple Heart at ang youngest CEO nito na si Kryzl Jorge.
Sa isang exclusive interview kasama ang GMANetwork.com, ibinahagi ni Miss A ang kaniyang excitement na makasama ang mga bata sa darating na panibagong season.
"This season naman, nandiyan pa rin 'yung funny moment because meron po tayong Purple Hearts, with the kids so alam niyo iyon, kikiligin du'n tayo sa mga eksenang mga bata. Nakakatuwa kasi na makita na at the very young age, 'di ba, si Kryzl. Sobra siyang bata pa pero she managed na maka-join dito sa show and maka-inspire din sa iba pang mga bata pa," kuwento niya.
Hindi lang daw tungkol sa business ang mapapanood ng viewers dahil makikita rin nila ang kulitan ng young entrepreneurs at matuto ng important tips para sa mga magulang.
Marami rin discoveries ang malalaman ng mga Kapuso sa kanilang segment na "Pwede Pala," kasama ang kompanyang Global Dominion Financing, Inc.
"Maganda siya ['Pwede Pala' segment] kasi 'yung hindi akalain na pwede palang mangyari, kaya pala. So, iyon ang madi-discover natin throughout out the season 4 also," sabi ni Miss A.
Mas malawak rin ang magiging usapan sa Negosyo Goals Season 4 dahil iba't ibang business industries ang sisilipin at matutunghayan, katulad ng negosyong e-commerce. Kasama sa programa ang kanilang iba pang partners: Kanna Health and Beauty Products Trading, Illumina Wellness and Beauty Center, The Motherbase Toys and Collectibles, at marami pang iba.
Ang Negosyo Goals ay ginawa ng Maker's Mind Media Production at CEO nito na si Ms. Ivy Ataya.
Mapapanood ang season 4 ng programa ngayong August 11, tuwing Linggo, 6:30 a.m. sa GTV.
Samantala, balikan ang excitement ni Miss A sa season 3 ng Negosyo Goals sa online exclusive na ito: