GMA Logo Kapuso Mo Jessica Soho
What's Hot

Negosyong halo-halo, kumikita ng P20,000 kada araw!

By Kristian Eric Javier
Published March 14, 2024 8:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trillion Peso March 'gang leader' nabbed for robbery, homicide in Nueva Ecija
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso Mo Jessica Soho


Tamang-tama ngayong summer ang halo-halo dahil hindi lang pampalamig, pang negosyo pa.

Ngayong summer na, isa sa pinakapatok na meryenda sa mga Pilipino ang matamis at malamig na halo-halo. Pero bukod sa masarap na pampalamig ito sa panahon ng tag-init, puwede rin itong negosyo at puwede ka kumikita ng P20,000 kada araw.

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho nitong Linggo, ikinuwento ng mag-asawang Rojan at Mae Mercado kung paano sila nagsimula. Gasoline boy pa lang si Rojan nang maisipan nilang mag negosyo ng leche flan noong 2019.

“Ako po ang nagtitimpla, ako po ang nagpeprepare. Sa Leche flan, hindi po kami gumagamit ng sugar so hindi siya ganun katamis, hindi siya ganun nakakasuya,” sabi ni Rojan.

Dagdag pa niya ay naglalagay pa sila ng mga store booth sa kalsada ngunit dahil mabili lang ito tuwing December at may okasyon, naisipan nilang magdagdag sa kanilang negosyo para hindi masayang ang kanilang leche flan at dito na nila sinimulan ang kanilang halo-halo business.

Nag-umpisa sila sa P20,000 na puhunan na hiniram sa kaibigan, at sa ref na hiniram niya sa kaniyang nanay.

“Ginamit namin siya na pang ayos ng mga upuan, nanghiram kami sa mother ko ng ref, mano-mano pa lang po namin ginagawa lahat,” sabi niya.

Gumagamit din sila ng milk ice o gatas na pinatigas para maging yelo bago kayurin para gamitin sa halo-halo.

“Kung meron mang iba pong nakakagawa ng ganiyang milk ice, dalawang klase lang po ng milk ang ginagamit nila. Kami po is tatlo,” sabi niya.

Sa isang araw ay nakakagawa sila ng 2,200 cups at ibinebenta ito ng P75 kada baso at kumikita ng P20,000. Ngayon, meron na silang 25 na sariling freezers para sa kanilang milk ice, at motor na pang deliver ng kanilang halo-halo.

TINGNAN KUNG SAAN MAHAHANAP ANG BEST HALO-HALO SA BANSA SA GALLERY NA ITO:

Samantala, sa Benguet, kakaibang halo-halo naman ang matitikman dahil sa sahog nitong macaroni. Ayon kay Chello Pinas, mas matipid kasi ito sa paggamit ng prutas pero hindi naman nagbabago ang lasa.

Nakuha ni Chello ang ideya ng paggamit ng macaroni sa halo-halo ng matikman niya ito sa isang piyesta.

Sa Pulilan, Bulacan, dalawang classic Pinoy meryenda naman ang pinagsama ni Maria Victoria Esguerra: halo-halo at malutong na turon.

“Pagka po fiesta, birthdays, o kahit anong occasion po, lagi po kaming may halo-halo and turon kaya po pinagsama na lang po namin,” sabi niya.

Para tumamis ang turon na may langka, nilalagyan din ito ni Victoria ng minatamis na gatas at gumagamit ng gatas ng kalabaw para mas creamy ang kaniyang halo-halo.

Panoorin ang buong segment dito: