GMA Logo Neil Ryan Sese
PHOTO COURTESY: Denzel Cusi
What's on TV

Neil Ryan Sese, naka-relate sa kanyang karakter sa 'Cruz vs. Cruz'

By Dianne Mariano
Published July 30, 2025 3:36 PM PHT
Updated July 30, 2025 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinos in Czechia, Germany celebrate Sinulog in Prague
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Neil Ryan Sese


Kasalukuyang bumibida ang Kapuso actor na si Neil Ryan Sese bilang Manuel sa GMA Afternoon Prime series na 'Cruz vs. Cruz.'

Masayang nakapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda ang Kapuso stars na sina Neil Ryan Sese at Pancho Magno sa programang Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.

Kabilang sa kanilang mga napag-usapan ay tungkol sa GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz.

Labis din ang pasasalamat ni Neil na ibinigay sa kanya ang role na Manuel dahil very challenging ito.

Aniya, "Parang ngayon lang ulit gumawa ang GMA na 'yung role ng Manuel, usually pambabae 'yan, siya 'yung inaapi, siya 'yung nagiging biktima. Ngayon lalaki siya. Kaya sobra talaga akong nagpapasalamat ako na ibinigay sa akin ang role na ito dahil very challenging siya as an actor, as in mabubuhay lahat ng dugo mo bilang artista."

Ikinuwento rin ni Neil na naka-relate siya sa pinagbibidahang serye dahil aniya'y may paralelismo sila na kanyang karakter.

“Sobra talaga akong nakaka-relate na kung ako si Manuel, ganito din 'yung gagawin ko para sa pamilya ko,” pagbabahagi niya.

Bukod dito, ibinahagi nina Neil at Pancho kung bakit dapat subaybayan ng mga manonood ang Cruz vs. Cruz.

Ayon kay Neil, marami ang makaka-relate sa kuwento ng naturang serye.

Aniya, “Una, hango ito sa totoong buhay. Tapos marami rito,'yung buwisan ng pride, siraan ng pamilya. 'Yun 'yung gustong-gusto panoorin.”

Dagdag pa niya, “Emosyonal na paglalakbay ng dalawang pamilya Cruz.”

Para naman kay Pancho, kapupulutan ng mga aral ang Cruz vs. Cruz tulad ng kung paano ang dynamics ng pamilya.

RELATED GALLERY: The cast of 'Cruz vs. Cruz' stuns in blue at the GMA Afternoon Prime Grand Media Day

Kasalukuyang napapanood ang Cruz vs. Cruz tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.