
Namigay ang aktor na si Neil Ryan Sese ng mga libreng helmet sa mga kapwa biker upang tulungan silang maging ligtas sa pag-a-adjust sa new normal.
Unti-unting nagbubukas muli ang mga negosyo at industriya simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine at kasabay nito ay nauso rin ang pagbibisikleta.
Ang bike commuting ang naging tugon ng mga Pilipino dahil hindi pa rin balik-operasyon ang karamihan ng public transportation.
Upang tulungan ang bikers, lalo na ang mga baguhan, minabuti ni Neil at ng kanyang grupong TatsoLook na mamigay ng libreng helmets.
Ibinahagi ng aktor ang kanyang naging karanasan sa ginawa nilang donation drive.
Aniya, “Pay it forward. 'TatsoLook team in action! Part of our TatsoLook team is Kapuso actor Neil Sese who helped in giving away free helmets to some bicycle commuters last night. Alfred Borres and Leo Felix were there early and started giving TatsoLook.
“We were able to giveaway 10 helmets last night! Thanks to our sponsors for the helmet: Andrea LM, Paolo Marlow Lugo Uriarte, anonymous friend from Canada. God bless you.'”
Ang TatsoLook ay isang charity organization na nabuo upang mamigay ng reflectorized triangles upang mas makita ang bike commuters sa dilim at isulong ang kanilang kaligtasan sa daan.
Neil Sese advocates for bikers and bike lanes following his experience as a bike delivery guy
#NewNormal: Safety tips for commuting on bike