
Hindi binigo ng afternoon serye na Cruz vs. Cruz ang fans at viewers na tumutok sa finale episode nila nitong Sabado January 17.
Sa report ng 24 Oras Weekend, sama-samang tinunghayan ng lead stars ng high-rating Kapuso soap na sina Vina Morales, Neil Ryan Sese, Gladys Reyes pati ng ibang cast at buong crew ng show ang last episode na punong-puno ng emosyon.
Tumanaw ng utang na loob si Neil Ryan Sese sa Kapuso Network sa pagsugal nila sa kaniya at binigyan siya ng pagkakataon na bumida bilang lead actor.
Sabi niya sa "Chika Minute," “Ako very grateful at tsaka thankful na naging part ako ng show na 'to. At sumugal sa akin ang GMA Network para ibigay sa akin 'yung role na Manuel Cruz.”
Touch naman ang award-winning actress na si Gladys sa nabuo nilang finale ng Cruz vs. Cruz team.
Aniya, “Nakakatuwa kasi kami na nga 'yung gumawa nun, naiiyak pa rin kami. Affected pa rin kami.”
Source: 24 Oras & Chika Minute
Para naman kay Vina na gumanap ng Felma, inilarawan niyang “ pribilehiyo” ang mga kasama sa ganitong kalaking drama project.
Lahad ng aktres, “Not all teleseryes na ganito ka-close at kasaya. That's why isang karangalan na kasama po ako sa Cruz vs Cruz.”
RELATED GALLERY: The cast of 'Cruz vs. Cruz' stuns in blue at the GMA Afternoon Prime Media Day