
Ngayong kumpirmado nang magkakaroon ng anak sina Glenn (Gabby Concepcion) at Melody (Sanya Lopez), may mga nakakatuwang mungkahi ang mga manonood ng First Lady kung ano ang puwedeng maging pangalan ng kanilang magiging baby.
Mayroon na silang tatlong anak na ang pangalan ay nagsisimula sa letter 'N' -- sina Nina (Cassy Legaspi), Nathan (Clarence Delgado) at Nicole (Patricia Coma).
Hindi pa alam ang kasarian ng magiging anak nina Glenn at Melody kaya naman maraming pangalan ang naisip ng mga tao.
Komento ng isa, kung babae ay dapat "Nelody" at kung lalaki naman ay "Nlen" sunod sa magulang ng bata.
Naisip rin ng iba na pagsamahin na lang ang Melody at Glenn para maging Nelen.
Para sa nakababatang kapatid ni Melody na si Lloyd na ginagampanan ni Jerick Dolormente, puwede ring Nene o Nonoy.
Tingnan ang iba pang nakakatawang mungkahi ng netizens para sa magiging anak nina Glenn at Melody dito:
Ano kaya ang magiging kasarian ng anak nina Melody at Glenn? At ano ang ipapangalan nila sa kanya?
Panoorin ang huling episode ng First Lady mamayang 8 p.m. sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, narito ang pasilip na inaabangang episode na 'yan: