
Ikinuwento ng GMA showbiz news reporters na sina Nelson Canlas at Aubrey Carampel ang kanilang paghanga sa dalawa sa mga icons ng GMA News. Ito ay sina Jessica Soho at Mel Tiangco.
Ibinahagi ito nina Nelson at Aubrey kay Paolo Contis sa pagbisita nila sa Just In.
Ayon kay Nelson, hanga siya sa pagiging hands on ni Jessica Soho.
"Dati noong hands on pa si Ms. Jessica sa amin, tumatawag pa talaga sa amin 'yun. Nelson, hindi mo ba nilagay 'yung anggulo mong ganito? Binabasa niya lahat."
Saad naman ni Aubrey ang kaniyang experience sa pagharap kay Jessica Soho.
"Si Ma'am Jessica kasama siya sa news room. Tawag namin doon kapag tinawag ka ni Jessica Soho para kang na-principal's office. Oo na-principal's office na ako."
Dugtong ni Nelson, kailangan may nakahanda kang paliwanag sa bawat tanong.
"Hindi ka pwedeng mag-yes lang, hindi, hindi, sabihin mo sa akin, bakit ito?"
Dahil sa naging experience nila kay Jessica Soho, sobrang na-appreciate nila ito at naging gabay na raw ito sa bawat script na kanilang ipinapalabas sa telebisyon.
"Sobra kong na-appreciate si Ma'am Jess na hanggang ngayon ganoon 'yung iniisip, ganoon 'yung thinking ko kapag gumagawa ako ng script," saad ni Nelson.
Si Mel Tiangco naman ang nagturo kina Aubrey at Nelson ng life lessons.
Paliwanag ni Aubrey, "Si Tita Mel naman, she will teach you life lessons pati 'yung mga naranasan niya as a journalist noong mga kabataan niya, ise-share niya 'yun sa 'yo."
Diin pa ni Nelson, "Hindi siya madamot."
Panoorin ang masayang episode ng Just In dito: