GMA Logo Nelson Canlas and Miguel Cabel Moreno
PHOTO SOURCE: @nelsoncanlas
What's on TV

Nelson Canlas proudly shares relationship with his partner of almost 9 years

By Maine Aquino
Published May 6, 2023 10:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mister, hinabol ni misis na armado ng itak sa Northern Samar
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Nelson Canlas and Miguel Cabel Moreno


Alamin ang love story nina Nelson Canlas at ang kaniyang partner na si Miggy.

Inilahad ni Nelson Canlas sa unang pagkakataon na siya ay married na sa kaniyang partner na si Miguel Cabel Moreno o Miggy.

Ayon sa Kapuso news anchor, unang beses niya ito ibinahagi at ito ay sa online show ni Paolo Contis na Just In.

"Proud ako diyan sa partner ko," Saad ni Nelson.

Ayon pa kay Nelson ay ikinasal na rin sila sa Wisconsin.

A post shared by Nelson Canlas (@nelsoncanlas)

"We're going nine years, five years married. I'm really proud of this person," sulat niya sa post.

Ayon kay Nelson, isang restaurateur si Miggy, "His family owns the only Mindanaoan restaurant in Luzon. Sobrang proud ako sa taong 'to dahil iginapang niya 'yung Palm Grill to what it is now."

Kasama rin sa pag-guest ni Nelson sa Just In ang kaniyang bestfriend na si Aubrey Carampel. Pag-amin ni Aubrey, noong una ay ayaw pa ni Nelson na ituloy ang pakikipagrelasyon kay Miggy dahil sa mga pinagdaanan niyang failed relationships.

Kuwento ni Aubrey, "Sobrang bait kaya nga sabi ko huwag ka na umarte diyan, mabait na mayaman pa, maayos pamilya."

Paliwanag naman ni Nelson, "Nire-resist ko lang 'yung idea na mayroon na naman akong relasyon ngayon. Maybe, this is bound to fail. Ayoko na. Tigilan na natin 'to, forever single na lang ako."

Paolo Contis Aubrey Carampel Nelson Canlas Miguel Cabel Moreno

PHOTO SOURCE: YouTube: Sparkle GMA Artist Center

Sa huli ay nagkatuluyan din sina Nelson at Miggy at happily married na. Inilahad ni Nelson na dahil kay Miggy ay nagkaroon rin siya ng isa pang bestfriend.

Pag-amin ni Nelson, "I've always said na si Aubrey 'yung bestfriend ko talaga sa buhay ko. 'Pag nakita mo nga 'yung passport ko nakalagay 'yung in case of emergency siya talaga. Ang daming passport ko na ganoon until ito. Noong naging kami ni Miggy, dalawa na 'yung bestfriend ko."

Ibinahagi rin ni Nelson kung gaano siya kasaya sa kanilang relasyon. Ani Nelson, "Wala kaming alone time, wala kaming me time, ang me time namin magkasama kami for the last nine years."

Itinanong ni Paolo kay Nelson kung madali ba ang naging relasyon nila dahil isang public personality rin si Nelson.

"If you're with the right person madali siya, mas madali siya. But, if you're with the wrong person, mahirap siya."

Panoorin ang kuwento ni Nelson sa Just In: