GMA Logo tadhana
Photo: Tadhana GMA (FB)
What's on TV

Nepo baby na traydor sa kaibigan, tampok sa 'Tadhana: Walang Kawala'

By Bianca Geli
Published October 10, 2025 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Batangas court issues another arrest warrant vs. Atong Ang
BTS's comeback album is titled 'Arirang'
LIST: LGUs announce class suspension due to #AdaPH

Article Inside Page


Showbiz News

tadhana


Isang nepo baby ang magiging ahas sa sarling kaibigan sa 'Tadhana: Walang Kawala' ngayong Sabado.

Dating matalik na magkaibigan, ngayon ay magkakalaban na, iyan ang kuwento sa bagong episode ng Tadhana na pinamagatang Walang Kawala.link -

Magkasundong-magkasundo sina Sarah (Shaira Diaz) at Claire (Thea Tolentino) noon, hanggang sa isang lalaki ang sumira sa kanilang pagkakaibigan. Ang college heartthrob na si John Kenneth (Yasser Marta), na matagal nang gusto ni Claire, ay nobyo na pala ni Sarah. Dahil sa galit at selos, nagplano ng paghihiganti si Claire isang mayamang “nepo baby” at anak ng kilalang contractor.

Sa ilalim ng pagkukunwaring kabutihan, inalok ni Claire ng trabaho si Sarah sa Cambodia. Ngunit ang alok na ito ay isa palang patibong para iparamdam ni Claire ang matinding ganti sa kaibigan.

Makaliligtas pa kaya si Sarah sa mapanlinlang na plano ni Claire? O tuluyan na siyang mabibiktima ng dating kaibigan?

Huwag palampasin ang "Walang Kawala" episode ng Tadhana ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7, at sa GMA Public Affairs' Facebook at YouTube live streams.