What's Hot

Neri Naig, hindi raw dama ang Pasko ngayong taon?

Published December 23, 2017 1:26 PM PHT
Updated December 23, 2017 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang dahilan kung bakit hindi masyadong dama ni Neri Naig ang saya ng Kapaskuhan.

Hindi naiwasan maging emosyonal ng former actress na si Neri Naig nang balikan ang lahat ng nangyari sa kaniya ngayong 2017.

IN PHOTOS: The Tagaytay home of 'Parokya ni Edgar' vocalist Chito Miranda

Ipinahayag ng misis ni Chito Miranda na maraming pagsubok ang hinarap niya.

Isa marahil dito ang pagkamatay ng kaniyang ama nito lamang Nobyembre.


Ayon sa Instagram post ni Neri, “Ilang tulog na lang pala at pasko na. Hindi ko kase maramdaman ang pasko. Dati kase super excited ako sa pasko. Iba kase ang feeling ko sa pasko, basta masaya. Masarap ang pakiramdam ko kapag pasko.

“Ngayon ay hindi ko talaga maramdaman. Siguro dahil sa dami kong hinarap na mga pagsubok ngayong taon. Hindi lang halata sa akin pero dinadaan ko na lang din sa tawa pero syempre sangkatutak na dasal.”

Dagdag ni Neri na napagtanto niya na basta kumpleto ang kaniyang pamilya ay wala na siyang mahihiling pa, dahil ito raw ang pinakamagandang blessing at tunay na kahulugan ng Pasko.

Ani Neri, “Pero habang naglilinis ako at nakikinig sa mga Christmas songs, napahinto ako at napatingin sa anak ko. Bigla na lang ako naluha at napangiti. Si Miggy at Chito ang kauna unahang kahulugan ng aking pasko. Ang pamilya ko.

“Sila lang, sapat na. Sabi nga ni Chito, always count your blessings. Silang dalawa ang pinaka the best blessing sa akin ni Lord. Salamat po, Lord.”

 

Naglilinis ako sa library at nagpapatugtog ng Christmas songs at baka maramdaman ko na ang pasko. Ilang tulog na lang pala at pasko na. Hindi ko kase maramdaman ang pasko. Dati kase super excited ako sa pasko. Iba kase ang feeling ko sa pasko, basta masaya. Masarap ang pakiramdam ko kapag pasko. Ngayon ay hindi ko talaga maramdaman. Siguro dahil sa dami kong hinarap na mga pagsubok ngayong taon. Hindi lang halata sa akin pero dinadaan ko na lang din sa tawa pero syempre sangkatutak na dasal. Pero habang naglilinis ako at nakikinig sa mga Christmas songs, napahinto ako at napatingin sa anak ko. Bigla na lang ako naluha at napangiti. Si Miggy at Chito ang kauna unahang kahulugan ng aking pasko. Ang pamilya ko. Sila lang, sapat na. Sabi nga ni Chito, always count your blessings. Silang dalawa ang pinaka the best blessing sa akin ni Lord. Salamat po, Lord. Photo by @niceprintphoto @theconceptroomstudio Hair and make up by @dangmiranda

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on