
Isinapubliko ni Neri Naig ang kanyang mensahe para sa kanilang 3rd anniversary ni Chito Miranda. Dito niya inilahad ang kanyang pasasalamat sa mga nagawa ng kanyang asawa para maging masaya ang kanilang relasyon.
READ: Chito Miranda's message to Neri Naig on their third anniversary
Ayon kay Neri six years na ang kabuuan ng taon ng kanilang relasyon pero nagbibigay pa rin ng kilig si Chito sa kanya. Ipinagpatuloy ni Neri na ang kanyang post sa isang throwback story tungkol sa pagbabagong ginawa ni Chito.
"Dati nung mag bf gf pa lang tayo, lagi kong sinasabi sayo noon na perfect ka na sana eh, alisin mo lang yung kalandian, haha! Kase sobrang haliparot ka talaga before. Kung sino sino mga kausap mo sa telepono. Yung iba inaaway na nga ako kase feeling nila sila ang deserving na girlfriend, haha! Pero never kong sinabi sayo na magbago ka para sa akin. Nakakatuwa kase nagbago ka para sa sarili mo at para sa atin. Sinabi mo na ako talaga ang gusto mong makasama habang buhay. Syempre haba na naman ng hair ko nun, hehe!"
Iniwan umano ni Chito ang kanyang nakasanayang pamumuhay para sa kanilang relasyon at pamilya. Aniya, "Iniwan mo talaga yung 'lifestyle' mo noon, ang buhay rockstar. Sabi mo madali lang iwan yun kase mas mahalaga kung ano ang meron ka ngayon. Nakaka-proud kase ang daming nagmamahal at rumerespeto sayo kahit sa mundo ng musika, politika, showbiz, sa business, o kahit mga ordinaryong mamamayan. Ibig sabihin napakabuti mong tao. Sang ayon naman ako dun, mabuti kang tao at mapagmahal."
Sunod na ibinahagi ni Neri ang kanyang pasasalamat at pangako sa kanyang asawa.
"Totoo na napakaswerte ko kase ikaw napangasawa ko. Isang mabuting tao, mabuting asawa, at mabuting ama. Aalagaan kita hanggang sa pagtanda. Mamahalin kita araw araw. Hinding-hindi kita sasaktan. Salamat sa pag aappreciate sa akin, bilang ako. Salamat sa pag aalaga at pag aalalay. Salamat at lagi mo akong pinapatawa, pinapakilig, at pinapangiti. Salamat sa pagmamahal mo. Mahal na mahal na mahal kita. Hanggang sa pagtanda magmamahalan tayo."