
Ibinahagi ng dating aktres/entrepreneur na si Neri Naig sa Instagram ang travel photo nila ng kanyang asawa na si Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda six years ago.
Neri Miranda uses talent fee to buy PPEs for frontliners
Hindi naiwasang humugot ni Neri nang i-post niya online ang beach photo nila kung saan nakasuot pa siya ng swimsuit.
Saad niya, "Yung pagbukas mo ng Facebook at ni-remind ka na 6 years ago ganyan ka kapayat."
Marami namang nagkomento sa IG post na ito ni Neri Naig at sinabi nila na nananatiling maganda pa rin ang aktres kahit lumipas na ang mga taon.
Idinaos ang civil wedding nina Chito at Neri noong December 13, 2014 at sa kasunod na araw ay ginawa ang garden wedding ng dalawa sa Tagaytay.