What's Hot

Neri Naig-Miranda, ayaw sa tamad at madrama

By CATHY DOÑA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 14, 2020 1:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Hate na hate ni Mrs. Chito Miranda ang mga taong "pabigat sa buhay."


Ang asawa ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda na si Neri Naig ay hindi lang mahusay na aktres. Mahusay rin siyang negosyante.

Sa katunayan, hindi nawawalan ng orders ang food business ni Neri na tinatawag na Neri's Gourmet Tuyo.

 

New batch for delivery! Processing na orders nyo po. Pasensya na po kase super daming pending na orders kaya po natatagalan konti pero don't worry mas dinamihan ko po ng veggies at tuyo para mas mag enjoy ang mga customers nyo. Pwede na po kayo mag order kina @nerigourmettuyo_shawblvd @nerigourmettuyo_calamba @nerigourmettuyo_carmona @nerigourmettuyo_marikina @nerigourmettuyo_lapaz_iloilo @nerigourmettuyo_cogeo_antipolo @nerigourmettuyo_ortigas @nerigourmettuyo_tanauan @nerigourmettuyo_tuy_batangas @nerigourmettuyo_montalban Sa mga gustong maging RESELLER ng Neri's Gourmet Tuyo, please viber us 09205669944 or email us nerigourmettuyo@yahoo.com for inquiries. #NerisGourmetTuyo

A photo posted by Neri Gourmet (@nerigourmettuyo) on

 

A photo posted by Neri Gourmet (@nerigourmettuyo) on


Bakit nga ba naging matagumpay si Neri? 'Yan ay marahil sa kanyang astig na business values.

Unang-una, pamilya ang trato niya sa kanyang mga empleyado. Ani Neri sa kanyang Instagram post, "Mas maganda kase na nararamdaman nila (employees) na pamilya ang trato ko sa kanila. Mas pag-iigihan nila 'yung trabaho nila at mas inspired silang magtrabaho."

Ayaw rin niya sa taong tatamad-tamad at madrama sa buhay. 

"Basta masipag magtrabaho at walang drama habang nasa trabaho, ok sa akin."

At siyempre, ang numero unong hanap ni Neri ay 'yung taong masipag.

"Gustong-gusto naming mag-asawa 'yung masisipag magtrabaho. Ayaw namin ng tamad at pabigat sa buhay."

At ang rason kung bakit ang mga empleyado niya ay puros mga nanay ay dahil alam nila ang kanilang priority.

"Ang mga kinukuha kong empleyado, puro nanay talaga. Kase mas masisipag para sa akin 'yung mga nanay na. Kase ang iniisip nila 'yung mga anak nila. Kung paano nila mabibigyan ng magandang buhay 'yung mga anak nila kahit simple lang. Mas aggressive kase silang magtrabaho. Alam kase nila 'yung priority nila," pagtatapos ni Neri sa kanyang post.

 

Bumili ako ng mga baon ng mga anak ng taga himay ko ng tuyo. At sinabi ko sa asawa ko by next year gawin kong iskolar yung mga anak nila. Mas maganda kase na nararamdaman nila na pamilya ang trato ko sa kanila. Mas pag iigihan nila yung trabaho nila at mas inspired silang magtrabaho. Basta masipag magtrabaho at walang drama habang nasa trabaho, ok sa akin. Gustong gusto naming mag asawa yung masisipag magtrabaho. Ayaw namin ng tamad at pabigat sa buhay. Ang mga kinukuha kong empleyado, puro nanay talaga. Kase mas masisipag para sa akin yung mga nanay na. Kase ang iniisip nila yung mga anak nila. Kung paano nila mabibigyan ng magandang buhay yung mga anak nila kahit simple lang. Mas aggressive kase silang magtrabaho. Alam kase nila yung priority nila. #VeryNeri #ShareYourBlessings

A photo posted by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on


MORE ON CHITO AND NERI MIRANDA: 

IN PHOTOS: The Tagaytay home of 'Parokya ni Edgar' vocalist Chito Miranda

LOOK: Neri Naig shares third trimester baby bump

Neri Naig on husband Chito Miranda: "Siya ang private nurse ko"