
Sino ang mag-aakala na ang harmless post ng celebrity businesswoman na si Neri Naig tungkol sa dream niya na maging member ng Tagaytay Highlands ay aani ng negatibong reaksyon sa isang basher.
Sa Instagram post ng asawa ng Parokya ni Edgar vocalist last February 18, ibinahagi ni Neri ang simpleng pangarap niya.
Sabi niya sa post, “Balang araw magiging member din kami diyan at di na kami pahintuin ng mga guards at tanungin kung anong pakay namin.
“More benta pa ng tuyo, beddings, damit, pampaganda, pajamas, suka, accesories, at kung ano pa ang maisipang ibenta. Hindi ko ikahihiya 'yan kung nakakapag invest naman ng properties. Mas magandang maging WAIS sa buhay kaysa maging maarte at ikinahihiya ang magbenta benta! At dapat focus lang sa goal.”
Pero isang netizen ang tila pinagtawanan ang Instagram post na ito ni Neri.
Sabi ng basher sa kanyang post, “Sus! [Paano] mo ikahihiya ['di] ka naman sa wet market nagtitinda, may tindera't tindero ka na, celebrity pa minsan ang client mo. Kumbaga big time tindero. Kahit ako [hindi] ako mahihiya. ”
Tumugon agad si Neri Naig at itinama ang ilang sinabi ng basher, tulad na lang na nakaranas na siya mag-tinda noon sa Mines View Park sa Baguio City.
Saad ng former actress, “fyi nagtinda ako dati sa Mines View at naglako ng mga ulam. At ano naman ang nakakahiya kung nagtitinda ka sa palengke?
“Mas mayayaman pa ang mga tindera sa palengke, ang dami nilang investments, may mga insurance, at malalaki ang mga bahay at lupain nila. Sus! Anong dapat ikahiya dun, di ba? ”
May kasunod na post sa comment section si Neri at sinabi niya na sa susunod na mga post niya ay ipagmamalaki niya ang mga nakakasalamuha niyanf tindero na ubod ng sipag.
Paliwanag niya, “@jlopezlyn Nasa talambuhay ko po 'yung naglalako ako ng ulam at nagtitinda sa Mines View bago ako nag artista. Ang mga nagtitinda po sa palengke ng Alfonso, karamihan po, mansion ang bahay.
“Hayaan n'yo, ipagmamalaki ko sila sa mga posts ko soon. Nakapalibot po kase ako sa community na puro masisipag. Kaya siguro po kahit babad sila sa pagkakaliskis ng mga isda, wala silang reklamo, aba'y dun sila umaasenso. Kaysa naman ang iba, tamad na nga, di pa masaya sa success ng ibang tao.”
Ikinasal muna sa isang civil ceremony si Neri sa OPM icon na si Chito Miranda bago ang kanilang garden wedding noong December 2014.
At isinilang naman niya ang anak nila na si Alfonso noong November 23, 2016.
Heto pa ang ilang pamatay na reaksyon ng mga celebrity sa kanilang bashers online sa gallery below.