
Naglabas ng saloobin ang celebrity mom na si Neri Naig patungkol sa breastfeeding experience niya sa Instagram.
Dito ikinuwento ng misis ni Chito Miranda ang paghihirap ng mga nanay sa tuwing magpapa-dede ng kanilang supling.
Ani Neri, “Sa lahat ng mag rereact about sa pagpapadede ko sa anak ko, totoong kuwento eto ng mga nanay. Kahit nasa bahay ka o mall o kung saan man, kapag ang anak mo ay magutom tapos kahit bigyan mo ng dede na nakabote, kung gusto niyang maglatch sayo, yan lang ang gusto niya. Iisipin mo pa ba ang sasabihin ng ibang tao'? Yung makikitingin na lang at magrereact na bakit siya nagpapadede?”
“Yung mga nanay lang ang makakaintindi ng mga ganito kong post.”
Naging matapang din ang pahayag ni Neri sa social media site, patungkol sa mga taong may negatibong reaksyon sa mga nanay na nagpapa-dede in public.
“Saludo ako sa lahat ng mga nanay na uunahin ang pangangailangan ng anak kaysa sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao na nakikitingin na lang, hehe!”
“Next time may magsabi sayo na naooffend sila dahil nagpapakain ka ng anak, sabihin mo na lang na masyado kang nakafocus kase sa dede ko, try mo kayang tumingin sa iba. Tagal mo ng nakatingin eh, hehe!”
Suportado naman ng breastfeeding advocate at Super Ma’am star na si Marian Rivera ang naging Instagram post na ito Neri Naig.
Ayon sa Kapuso Primetime Queen na ganun talaga ang lahat ng ina na mas uunahin pa nila ang pangangailangan ng kanilang mga anak, kesa sasabihin ng iba.
TRIVIA: 15 super things you didn't know about Marian Rivera