What's on TV

Netizens, aliw na aliw sa linya ni Jillian Ward sa 'Prima Donnas': "I can speak english if I want to!"

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 2, 2019 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward Elijah Alejo face-off in Prima Donnas


Patok sa mga netizen ang tapatan nina Donna Marie at Brianna sa 'Prima Donnas.' Panoorin dito kung bakit:

Trending sa social media ang tapatan ng Prima Donnas stars na sina Jillian Ward at Elijah Alejo.

Ginagampanan ni Jillian si Donna Marie, ang katulong sa bahay ng mga Claveria. Kabilang sa pamilya Claveria ang karakter na ginagampanan ni Elijah na si Brianna.

Sa video clip mula sa isang episode ng Prima Donnas, mapapanood si Donna Marie na galit na sinabi kay Brianna, "Hindi porket marunong ka mag-English, ibig sabihin no'n mas magaling ka o mas nakakataas ka.

"I can speak English if I want to, pero ayoko kasi proud ako sa pagiging Pilipino ko e.

“'Tsaka nasa Pilipinas tayo, kaya mag-Tagalog ka.”

WATCH: 'Prima Donnas' star Jillian Ward channels inner Heart Evangelista while going to the market

Panoorin ang mainit na tapatan nina Donna Marie at Brianna:


Ibinahagi naman ng isang Facebook user ang naturang tapatan, na ngayon ay may mahigit one million views na.



Aliw na aliw naman ang netizens sa line ni Jillian.



Patuloy na panoorin ang kapanapanabik na eksena ng Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.