Hindi lamang sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro ang pinupuri ng netizens kungdi pati rin ang performances ng ibang cast members.
By MICHELLE CALIGAN
Naging maingay sa social media ang pagsisimula ng primetime series na The Rich Man's Daughter last week, kaya naman buong linggo ito naging top trending topic sa Twitter.
Hindi naman natigil ang suporta ng mga manonood sa naturang teleserye dahil patuloy itong pinag-uusapan sa pangalawang linggo nito. Hindi lamang ang tambalang RaStro ang kanilang pinuri, kungdi pati na rin ang performances ng iba pang cast members.