GMA Logo Maria Clara at Ibarra
What's on TV

Netizens, excited na para sa "El Filibusterismo" arc ng 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published January 10, 2023 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


Napansin kaagad ng netizens ang mga hudyat na malapit nang tumawid sa nobelang "El Filibusterismo" ang 'Maria Clara at Ibarra.'

Lalong naging excited ang mga manonood ng hit historical portal fantasy series Maria Clara at Ibarra.

Matapos madakip si Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo) dahil sa mga huwad na paratang sa kanya, nagbibigay na rin ang programa ng ilang hudyat na tatawid na ang kuwento nito sa "El Filibusterismo," ang pangalawanag nobela ni Jose Rizal.

Ini-reveal na nga buhay pa si Basilio (Stanley Abuloc), at ang kumupkop sa kanya ay si Tales (Arnold Reyes)--o mas kilala bilang Kabesang Tales sa "El Filibusterismo."


Naintriga rin ang ilang sa misteryosong babaeng ito na namataan sa labas ng kwartel. Tauhan din ba siya mula sa "El Filibusterismo?"


Ipinasilip na rin sa isa sa episode previews ang iconic na eksena sa pagitan nina Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo) at Elias (Rocco Nacino) sa bangka na naganap sa huling bahagi ng "Noli Me Tangere."



Samantala, kung babalikan naman ang music video para sa official theme song na "Babaguhin ang Buong Mundo" na inawit ni Julie Anne San Jose, may makikitang ilang eksena na bumalik na si Klay (Barbie Forteza) sa kanyang mundo.

Makikitang isasauli na niya ang libro ni Professor Torres (Lou Veloso) at lumuluhang binabasa ang isa pang libro.


Abangan ang tumitinding mga eksena ng Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG BEST MOMENTS MULA SA MARIA CLARA AT IBARRA SA GALLERY NA ITO: