
Ngayong Pebrero 22 na magsisimula ang bagong programang Ilaban Natin 'Yan. At kamakailan ay umere na ang teaser nito tampok ang magiging Ate ng Bayan na si Vicky Morales.
Layunin ng programang Ilaban Natin 'Yan na maging bagong kakampi ng bayan. Diringgin nito ang mga problemang idudulog sa kanilang Palaban Express, ang modern jeep na dadayo sa iba't ibang barangay.
5 dahilan kung bakit dapat abangan ang 'Ilaban Natin 'Yan'
At ngayon pa lang ay nagpahayag na ng kanilang excitement at interes sa programa ang netizens.
Ang iba nga ay nagsimula na agad magsumbong o magkuwento ng kanilang pinagdaraanan.
Tiyak na makaka-relate ang karamihan sa mga tunay na kuwentong itatampok sa programa tulad ng mga ipinakita sa teasers ng Ilaban Natin 'Yan:
Kaya, mga Kapuso, abangan ngayong Pebrero 22 ang Ilaban Natin 'Yan sa GMA-7.