
May inilabas ng teaser ang Bilangin ang Bituin sa Langit para sa all-new episodes ng programa na mapapanood ngayong January 2021.
Sa comments section, hindi na makapaghintay ang netizens na mapanood ang pagpapatuloy ng kwento ng Bilangin ang Bituin sa Langit.
Pansin ng iba ay mas intense ang mga eksena at close-up ang shots ng programa kaya lalong mas nakakapanabik ito.
Excited na ang mga manonood sa all-new episodes ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit' sa January 2021!
Lahat ng eksena ay kinunan sa nangyaring lock-in taping ng programa sa San Mateo, Rizal. Tingnan ang kanilang experience dito:
Abangan ang all-new episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit simula Lunes, January 4, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Prima Donnas.