
Maraming Kapuso viewers ang nagpakita ng kanilang excitement sa Philippine edition ng sikat na game show mula sa Amerika, ang Family Feud.
Sa unang inilabas na teaser ng GMA Network, ipinakilala na ang magiging host ng nasabing family-oriented game show at ito ay walang iba kung 'di ang Kapuso actor at family man na si Dingdong Dantes.
Inulan ng maraming positibong komento mula sa netizens ang nasabing teaser.
"Wow, galing naman! Noong bata pa ako ganyan ang gusto kong game show! Marami kang malalaman sa iba't ibang mga katanungan. Go go go go FAMILY FEUD PHILIPPINES!!!," reaksyon ng isang netizen.
"Excited na po...aantabayanan po namin ito with my family from Cagayan De Oro City," sulat naman ng isang fan.
Nagbigay din ng suporta ang ilang fans ni Dingdong para sa kanyang bago at masayang TV show.
"Wow, idol Dingdong! Good luck sa Family Feud game show," saad ng isang fan.
Dagdag naman ng isa pang tagahanga, "Good for him. It's interesting and entertaining. I'll wait for it. Aabangan ko yan. Dingdong, go for it."
Panoorin ang unang trailer ng Family Feud kasama si Dingdong, DITO:
Abangan ang Family Feud, ngayong Marso na sa GMA. Tutok lang sa GMANetwork.com para sa updates.