GMA Logo Netizens reaction to GMA Network 2025 Offerings
What's Hot

Netizens, excited na sa GMA Network 2025 Offerings!

By Kristine Kang
Published January 1, 2025 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DFA press briefing (Mar. 6, 2026) - Replay | GMA Integrated News
Jason Fernandez On Playlist
GMA Radio Awards One Million Peso Winner of Resibo Panalo Promo

Article Inside Page


Showbiz News

Netizens reaction to GMA Network 2025 Offerings


Hindi na mapigilan ang excitement ng mga Kapuso sa mga bagong programa at palabas ng GMA Network ngayong 2025!

Puno ng mga bigating programa at proyekto ang handog ng GMA Network ngayong 2025.

Bilang selebrasyon sa ika-75 anibersaryo ng GMA, masayang inanusyo ng network ang kaabang-abang na mga palabas, mula sa GMA Afternoon Prime, at Prime, hanggang sa Heart of Asia. Syempre, kasama rin dito ang blockbuster movies na tiyak tatangkilikin panoorin muli ng mga Kapuso.

Ngayong taon na rin ipalalabas ang mga bagong pelikula ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa mga sinehan kagaya ng KMJS: Gabi ng Lagim The Movie.


Sa loob lamang ng ilang oras, mahigit umabot ng 26,000 views sa YouTube at 98,000 views sa Facebook ang announcement video ng GMA Network.

Dumagsa din ang positive reactions at supportive comments ng netizens kung saan hindi raw nila mapigilang ma-excite sa mga bagong offering ng GMA 7.

Mayroong nagkomento na ito raw ay parang panibagong era ng network bilang diamond anniversary nito. May ilan ding nagsabi na, "Bagong renaissance era para kay Kapuso Network. Happy 2025 and Happy 75th Anniversary, GMA!"

Meron ding nagbahagi ng kanilang excitement na mapanood na ang kanilang inaabangang programa kagaya ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, Slay, Sanggang Dikit, at marami pang iba.

Tingnan ang mga reaksyon ng netizens sa social media, dito: