
Kinumpirma ng GMA Network na simula Lunes, March 28, magbabalik na ang multi-awarded GMA news pillar na si Mike Enriquez.
Muling maghahatid ng nagbabagang balita si Mike sa kanyang programa sa Super Radyo dzBB at mapapanood siya weeknights sa flagship news program na 24 Oras.
Balik-hosting din ang highly-respected Kapuso news anchor sa award-winning show niya na Imbestigador tuwing Sabado ng hapon.
Ngayon pa lang ay ramdam na ang excitement ng ating mga Kapuso online na muling mapapanood si Sir Mike matapos ang kaniyang medical leave of absence.
Namiss po namin kayo Sir Mike! https://t.co/s1iRL3DNrr
-- SOLID KAPUSO LATEST UPDATES (@SolidKapusoLU) March 25, 2022
Yayyy na miss ka po ng nanay ko sa 24oras hehehe https://t.co/wLFGlzBgcD
-- jeckz 😏 (@zckej) March 25, 2022
Welcome Back po Sir Mike ☺
-- Alve Calugay Ferrer (@alveferrer) March 25, 2022
Bukod sa magiging busy na siya sa kaniyang mga show sa telebisyon at radyo, todo rin ang paghahanda niya sa malawak at komprehensibong coverage ng Eleksyon 2022 ng GMA News at Public Affairs.