GMA Logo One True Love
What's on TV

Netizens, excited na sa pagbabalik ng 'One True Love'

By Marah Ruiz
Published August 10, 2020 12:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

One True Love


Excited na ang ilang netizens at fans ni Alden Richards sa pagbabalik ng seryeng 'One True Love' ngayong araw, August 10.

Hindi pa man nagsisimula, trending na pagbabalik ng seryeng One True Love na pinagbidahan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Kabilang ang hashtag na ALDENxOneTrueLove sa top trending topics ng Twitter Philippines.



Marami ang natuwa sa pagbabalik ng serye na unang ipinalabas noong 2012. Matagal na daw kasi nilang hinihiling sa network ang mulang pagpapalabas nito.


Masaya din ang ilan na muling mapanood si Alden sa una niyang lead role sa isang primetime series.


Bukod dito, inalala rin nila na isa ang One True Love sa mga matatagumpay na serye ng GMA.


Isa rin ito sa mga paboritong roles ni Alden.


Sa One True Love, gaganap si Alden bilang si Tisoy, isang simpleng binatang nagtatrabaho sa pier.

Mahuhulog ang loob niya kay Elize (Louise delos Reyes), anak ng isang mayamang negosyante sa kanilang bayan.

Dahil sa kaibahan ng estado ng kanilang mga buhay, pilit silang paghihiwalayin ng kanilang pamilya.

Bukod dito, marami ring mga sikreto at pagkakamali ang kanilang mga magulang na hahadlang sa kanilang pag-iibigan.

Tunghayan muli ang One True Love Lunes hanggang Biyernes simula August 10, 4:15 pm sa GMA Afternoon Prime.