
Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakasama sina Carmina Villarroel at ang kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi sa isang drama series.
Ngayong linggo, tampok ang kambal na sina Mavy at Cassy sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang mommy.
Mapapanood ang Legaspi twins bilang magkapatid din sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kasunod ng anunsyong inilabas ng GMA tungkol dito, hindi na naitago ng netizens at viewers ng programa ang kanilang pagkasabik sa pagbisita ng kambal sa kanilang mommy.
Narito ang ilang positive reactions ng netizens nang malaman nilang ang kambal ang bagong guests sa serye:
Sina Mavy at Cassy ay mga anak ni Carmina sa former Apoy sa Langit actor na si Zoren Legaspi.
Bukod sa kanya-kanyang proyekto, napapanood din ang Legaspi family bilang mga host ng talk-variety show na Sarap 'Di Ba? na ipinapalabas sa GMA Network tuwing Sabado ng umaga.
Kasalukuyang napapanood ang kanilang mommy sa serye bilang si Lyneth Santos, ang mapagkalinga at mapagmahal na ina ng genius at pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).
Si Lyneth din ang paboritong nanay ng mga Kapuso sa GMA Afternoon Prime ngayon.
Abangan ang mga kapana-panabik na eksena nina Carmina, Mavy, at Cassy sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Huwag ding palampasin ang mga susunod na tagpo sa trending na Kapuso serye na mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
TINGNAN ANG CUTEST PHOTOS NINA CARMINA, MAVY, AT CASSY SA GALLERY SA IBABA: