GMA Logo Nadech Kugimiya
What's Hot

Netizens, excited sa bagong pagbibidahang lakorn ni Nadech Kugimiya!

By Cara Emmeline Garcia
Published August 18, 2020 10:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Nadech Kugimiya


Kinilig ang fans ni Nadech Kugimiya sa bago niyang pagbibidahang drama na 'My Love From Another Star.'

Hindi na makapag-hintay ang fans ni Nadech Kugimiya sa bagong show na hatid ng GMA The Heart of Asia na My Love From Another Star!

Noong nakaraang linggo umere na ang teaser ng panibagong lakorn na hatid ng network na talaga naman nagbigay ng kilig sa netizens.

Base sa comments ng parehong Facebook at Twitter accounts ng Heart of Asia, marami ang nagsabing matagal na nilang hinhiniling na mapanood ang drama sa telebisyon.

Pero higit sa lahat, hindi na sila makapaghintay na mapanood muli si Nadech sa isang rom-com series.

Saad pa ng isa, “10 times ko nang pinanood itong alien na ito and yet I am still counting on it. Sobra akong na-inlove sa kanya.

“Hindi kayo magsisisi. Super ganda at super galing ni Nadech.”

Habang ang ilan ay inilarawan ang Thai-Austrian actor bilang, “the most handsome alien!”

My Love From Another Star

Reaksyon ng fans tungkol sa 'My Love From Another Star' / Source: OfficialGMAHOA (Facebook)

Abangan ang paglanding ni Nadech Kugimiya kasama si Matt Peranee sa My Love From Another Star, dito lang sa GMA-7.